Ilang mambabatas, ipinanawagan ang pag move-on sa pamumuna sa “Love the Philippines” slogan

Ilang mambabatas, ipinanawagan ang pag move-on sa pamumuna sa “Love the Philippines” slogan

NAGBIGAY ng kanilang pahayag ang ilang senador kaugnay sa kontrobersiyal na “Love the Philippines” slogan ng Department of Tourism (DOT).

Kaugnay sa kapalpakan sa DOT ay nananatiling hindi malinaw kung ipagpapatuloy pa ba ang “Love the Philippines” Tourism slogan nito.

Sa kaniyang unang public appearance, araw ng Miyerkules matapos ma-expose ang umano’y pandarambong sa promotional video ng Tourism campaign ay bigong makapagbigay ng malinaw na sagot sa nasabing tanong si Tourism Secretary Christina-Frasco.

Sa isang event ay sinubukang kuhanan ng pahayag ng media si Frasco ngunit parang umiiwas at walang direktang sagot sa tanong ang kalihim.

Sa kabila ng matibay na suporta ng mga empleyado ng DOT sa kalihim ay ipinanawagan naman ng ilan ang pag-resign ni Frasco sa ahensiya.

Kabilang dito ang sikat na direktor na si Darryl Yap.

Sa social media posts ng direktor ay nakalagay na ‘Love the Philippines with accountability’ na nakatag pa o mentioned ang kalihim. Ibig sabihin dapat managot si Frasco.

Ang pahayag ni Yap ay kinontra naman ni Albay Congressman Joey Salceda.

“Once the controversy about this rebranding effort passes, we will still need to fix our airports, our accommodations, our accessibility. So, no, I will not join calls for her to resign. Certainly not when a lot of it is premised on speculation. I focused on facts in my criticisms. I want to focus on facts on the solutions,” pahayag ni Cong. Joey Salceda, Albay Representative.

Sa isang interview kay Salceda, ipinaliwanag nito na pansamantala lamang ang kontrobersiya at ang mga spekulasyon na bumabalot dito kung kaya’t hindi siya sang-ayon sa pagpapa-resign kay Frasco.

Sa halip, nanawagan si Salceda sa mga bumabatikos sa DOT na mag move-on na lamang.

Mga senador, ipinanawagan ang pag move-on mula sa pagbatikos sa DOT slogan

Bukod kay Salceda, ay ipinanawagan ng ilang mambabatas sa Senado na mag move-on na rin sa DOT issue.

“Being a member of the Senate Committee on Tourism, we must work together to correct any mistake, improve our efforts to promote our country, and give our support to the efforts being done by the present administration in uplifting our economy and the lives of the poor,” ayon naman kay Sen. Bong Go, Member, Committee on Tourism.

Sa isang mensahe, sinabi ni Sen. Go na miyembro ng Senate Committee on Tourism na dapat ay magkaisa na lamang at tulungan ang administrasyon.

 “With this, I continue to support Tourism Sec. Christina Garcia-Frasco and the rest of DOT for their efforts to further improve our country’s tourism sector,” aniya pa.

Si Go ay hindi rin sang-ayon sa panawagang mag-resign si Frasco.

“We need to move forward from this unfortunate incident and focus our efforts to restore traveller confidence and increase our domestic and foreign visitors,” ayon kay Sen. Joel Villanueva, Majority Leader.

Para namam kay Senate Majority Leader Joel Villanueva, kailangan nang mag move-on sa issue upang matutukan na ang mga hakbang para sa pagpapanumbalik sa sigla ng turismo.

Pero iba naman ang pahayag ni Senator Nancy Binay.

“Again, huwag nang ipilit. Hindi masama ang magkamali. LOVE was not meant to be. Let us all move on and just bring back the FUN to the Philippines,” ayon pa kay Sen. Nancy Binay, Chair, Committee on Tourism.

Bagamat wala siyang sinabi na mag-resign na si Frasco ay nais naman niyang ibalik na lamang ang dating slogan na “It’s more fun in the Philippines.”

“Kung meron pang ilalabas na TVC ang DOT, it is not wise to gamble dahil inaabangan na ng netizens ang susunod na ‘Love’ iterations para gawan ng spoof. Ang recommendation is to revert to the tried-and-tested campaign, and from there gumawa na lang ng tactical marketing plan para maiwasan ang window na isabotahe,” dagdag pa ni Binay.

Paliwanag ni Binay may lamat na ang slogan na “Love the Philippines”. Patunay aniya rito ang mga patuloy na batikos at memes sa social media.

 

 

Follow SMNI NEWS in Twitter