Ilang operators ng PUV, dagsa na sa LTFRB office para sa pagkuha ng fare matrix

Ilang operators ng PUV, dagsa na sa LTFRB office para sa pagkuha ng fare matrix

DAGSA na ang mga operator ng mga pampublikong transportasyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Central Office, ngayong Martes.

Ito ay upang kumuha ng fare guide o fare matrix para sa bagong minimum fare na ipinatupad ng ahensya.

Aabot sa P610 ang babayaran ng isang operator sa bawat franchise na kukuhanan ng fare matrix.

Pinaalalahanan naman ng LTFRB ang bawat operator na kumpletuhin ang hinihinging requirements ng ahensya gaya ng latest LTO OR/CR at franchise verification.

Kabilang din ang copy of provincial authority at official receipt of payment upang maiwasan ang pagkaantala sa transaksyon.

Sa pinakahuling datos ng ahensya, nasa 260, 160 units ng TPUJ, MPUJ, PUB, provincial bus, taxi at TNVS ang target na mabigyan ng fare matrix ng LTFRB.

Matatandaan, epektibo nitong Oktubre 3 ang bagong taas-pasahe sa mga pampublikong transportasyon.

Follow SMNI NEWS in Instagram

Follow SMNI NEWS in Tiktok

Follow SMNI NEWS in Twitter