NILUWAGAN ng ilang paaralan sa Singapore ang patakaran sa pagsusuot ng uniporme dahil sa sobrang init ng panahon.
Pinapayagan ang mga estudyante na i-untucked ang kanilang polo shirts at maaari din isuot ang kanilang P.E. t-shirts at mag shorts sa halip na palda.
Nagpaalala rin ito sa mga mag-aaral na uminom ng maraming tubig para maiwasan ang dehydration.
Ang buwan ng Mayo ang karaniwang isa sa pinakamainit na buwan ng taon sa bansang Singapore.