Ilang PWD’s ng QCitizens binigyan ng wheelchair ng Probinsyano Party-list

Ilang PWD’s ng QCitizens binigyan ng wheelchair ng Probinsyano Party-list

NAMAHAGI si Probinsyano Party-list Alfred delos Santos ng mga wheelchair at iba pang tulong sa 100 persons with disabilities (PWDs) na mga QCitizen na ginanap sa QC Hall nitong Martes Mayo 21, kahapon sa Quezon City.

Kasama ni Delos Santos sina Majority Floor Leader Dr. Delos Santos, Doray Delarmente, Councilor Aiko Melendez, at actor Piolo Pascual, at iba pang miyembro ng Probinsyano Party-list

Bukod sa ibinigay na wheelchair namigay rin ng regalo at food packs sa mga PWD kasama ang kanilang pamilya ng mga benepisyaryo, ang mga kawani ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) at ang Quezon City government.

Sa opening remarks, ipinaabot ni QC PDAO Head Deborah Dacanay ang kaniyang pasasalamat kay Piolo Pascual, Councilor Melendez ng District V, Rep. Delos Santos at ang Probinsyano Party-list.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble