Ilang sikat na K-drama stars, dadalo sa 2023 Asia Artist Awards sa Pilipinas

Ilang sikat na K-drama stars, dadalo sa 2023 Asia Artist Awards sa Pilipinas

DADALO ang mga Korean drama star na sina Kim Seon Ho, Moon Ga Young, Ahn Hyo Seop, Kim Se Jeong sa isasagawang 2023 Asia Artist Awards (AAA) dito sa Pilipinas.

Kinumpirma ng South Korean entertainment portal na Soompi nitong Lunes ang partisipasyon ng apat na K-drama stars sa naturang awarding ceremony.

Ang Asia Artist Awards ay ang Asian version ng Oscars at Grammy Awards kung saan kinikilala ang mga pinakamahuhusay sa larangan ng TV, film, at music.

Samantala, ang Asia Artist Awards ay gaganapin sa kauna-unahang pagkakataon sa Philippine Arena sa Bulacan sa Disyembre 14.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble