UMABOT sa 86 indibidwal ang inilipat ng Philippine Air Force mula Basco, Batanes patungong Manila.
Sila ay mga pasahero na stranded dahil sa flight cancelations ng iba’t ibang airline companies.
Ginamit sa misyon ang dalawang C-295 aircraft na nakalaan kay AFP Chief of Staff General Andres Centino sa pagbisita nito sa area of responsibility ng AFP Northern Luzon Command (NOLCOM).
Ilan sa mga pasahero ay kailangang makabalik sa Manila dahil sa pasok sa trabaho o eskuwelahan, gayundin ang mga nangangailangan ng critical services.