Ilang suspek sa umano’y pananakit at kidnapping sa POGO hub sa PORAC, Pampanga, irereklamo na sa DOJ

Ilang suspek sa umano’y pananakit at kidnapping sa POGO hub sa PORAC, Pampanga, irereklamo na sa DOJ

MAKIKITA sa video ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang Chinese National na ito na nagawang makatakas at kalauna’y masagip ng mga awtoridad mula sa Lucky South99, isang POGO Hub sa Porac, Pampanga.

Nakaposas sa bed frame at may mga pasa o marka ng pananakit sa likod, sa braso at maging sa bahagi ng mata ang Chinese national.

Isa lang ito sa dalawang biktima umano ng torture o kidnapping ng naturang POGO HUB na kamakailan lang ay niraid ng PAOCC at PNP CIDG.

Ang mga nasa likod ng pananakit na ito ay sasampahan na ng patong-patong na reklamo sa DOJ ngayong linggo.

‘’Primary those dealings withth detention of the complainants, undiscover doon sa bed straps sa bed within the compound upside the human trafficking that’s serious illegal detention…other offenses will be covered in the actual filing, antayin na lang natin. We want to make a good case because its really really greivous offense sa ginawa nila dito, regardless kung sino ang victim, traffikicking is inheried evil,’’ ayon kay Atty. Darwin Canete Prosecutor, DOJ.

Una nang sinabi ng PAOCC na ang Lucky South 99 ay may kaugnayan sa POGO Hub sa Bamban, Tarlac dahil sa pareho-parehong ilegal na aktibidad na naireport gaya ng torture.

Si Bamban Mayor Alice Guo, una nang sinampahan ng reklamo ng human trafficking dahil sa umano’y koneksyon niya sa POGO Hub sa kaniyang lugar.

Maliban sa umano’y koneksyon nito sa ilegal na aktibidad ay nadidiin din si Guo sa pagkakaroon ng pekeng birth certificate.

Ang COMELEC, iniutos na sa kanilang law department ang mga reklamo na maaring isampa laban kay Guo dahil sa misrepresentation.

Maari aniya nilang pag-aralan ang inisyal na finding ng senate investigation at makakatulong din aniya ang petition for quo warranto ng Solicitor General.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble