ALANGANIN pa sa pagboto sa senador ang ilang tagasuporta ni Senator Manny Pacquiao.
Nagtipon tipon sa kahabaan ng Manila Baywalk ang mga taga suporta ni Manny Pacquiao upang ipakita ang kanilang suporta sa Senador ngayong May 2022 elections.
Bitbit ang kani kanilang maliliit na flag at banner, nagsama sama ang mga taga suporta ni Pacquiao sa kanyang paghahain ng Certificates of Candidacy (COC) ngayon araw.
Makikita ang halos dikit dikit na tao dahil sa dami ng mga nagpunta sa Manila Bay.
Tuwang tuwa ang mga taga suporta ng pagdating ng kanilang idolo na si Pacman sakay ng kanyang man of destiny bus.
Samantala, sa pag-iikot ng SMNI news aminado ang ilan na alanganin pa sa pagboto at hindi pa sila sigurado sa senador sa mga platforms nito, kaugnay sa pagtakbo sa mas mataas na posisyon sa gobyerno.
Anila, papakiramdaman pa nila ang kalayaan ng senador lalo na sa pangako nitong libreng pabahay.
“Iyong pabahay kung mayroon..eh paano kung wala totoo ba iyan? Hindi pa namin sure iyan na siya talaga. Alanganin pa kami diyan baka hindi pa iyan totoo eh..apat na taon sabi niya malinis na ang mga squatter sana magkatotoo. Paano kung hindi magkatotoo?. Kami sumusuporta kami sa kanya kahit sinong kandidato suportahan namin diba. Kung baga sa amin namimili pa kami ng mga manok na aming iboboto iyon yon,’’ayon sa isang supporter ni Pacquiao.