PACQ hindi bilib sa anunsyo ng pagreretiro ni Sen. Pacquiao sa mundo ng boxing

PACQ hindi bilib sa anunsyo ng pagreretiro ni Sen. Pacquiao sa mundo ng boxing

HINDI bilib si Pastor Apollo C. Quiboloy sa anunsyo ng pagreretiro ni Senator Manny Pacquiao sa mundo ng boxing.

Ngayong-araw ay pormal ng inanusyo ni Sen. Pacquiao ang kaniyang pagreretiro sa mundo ng boxing.

Sa isang 14 minute taped video ay pormal ng inanunsyo ng 42 years old na si Sen. Pacquiao ang kaniyang pagreretiro mula sa mundo ng boxing.

Matatandaan na ang nakalaban ni Pacquiao sa kaniyang pinakahuling boxing match noong Aug. 22, ang Cuban boxer na si Yordenis Ugas.

Sa nasabing laban hindi umubra ang kamao ni Manny at natalo ito kay Ugas sa pamamagitan ng unanimous decision.

Bago ang pagreretiro ni Pacquiao ay inanunsyo nito ang pormal niyang pagtakbo sa pagkapangulo sa 2022 elections.

‘’It’s difficult for me to accept that my time as a boxer is over. I am announcing my retirement. I never thought that this day would come. As I hang up my boxing gloves. I would like to thank the whole world especially the Filipino people, for supporting Manny Pacquiao. Goodbye boxing,’’ayon kay Pacquiao.

Samantala si Pastor Apollo C. Quboloy, Executive Pastor ng Kingdom Of Jesus Christ ay hindi naman bumilib sa ginawang anunsyo ng boksingero.

Para kay Pastor Apollo, walang appeal ang ginawang pamamalaam ni Pacquiao sa pagboboxing.

‘’Wala akong pakialam mag-retire ka man o hindi. Kung boksingero ka lang, may kagat ‘yung sinabi mong ‘magre-retire na ako’ tulad ni Mayweather. Pero pinaghalo mo eh senador pagkatapos boksingero, senador, boksingero, senador, boksingero, senador,’’ayon kay Pastor Apollo.

Paglalahad ni Pastor Apollo na dahil minsan ng laban o bawi si Pacquiao sa kaniyang mga desisyon  sa buhay ay mahirap na itong paniwalaan.

Matatandaan na noong taong 2015, ay nangako na noon ang boksingero na hihinto na sa pagboboxing kapag nanalo sa pagkasenador.

Pero sa halip na magiging totoo sa pangako ang boksingero ay kada taon ay sumasalang sa boxing ring ang senador matapos siyang mailuklok sa pwesto noong taong 2016.

‘’ Wala na akong paniniwalaan sa mga sinasabi mo. Wala akong paniniwalaan sa sinasabi ni boxer. ‘Magre-retire ako,’ kailan mo sinabi? 2015. Tapos sasabihin mo na naman ngayon. Hindi mo napanindigan ‘yung sinabi mo noon pagkatapos sasabihin mo na naman ngayon. Dalawang boksidor ang nagkaharap eh. Itong Manny Pacquiao na ‘to at itong Manny Pacquiao 2015, magharap kayo, kayo’ng mag-boxing kayong dalawa ng salita mo. Kasi walang mapanghahawakan sa sinasabi mo,’’ayon sa butihing Pastor.

Banat pa ni Pastor Apollo kay Pacquaio sa halip na sumagot si Pacquiao kapag sinusuri sa kanyang mga binibitawang salita ay kung ano ano ang ginagawa.

Dagdag pa ni Pastor Apollo bukas pa rin ang kaniyang offer na debate para sa Senador.

‘’Pag sinuri ka naman sa sinasabi mo, magdedemanda imbes sasagot. Pero ganun pa man, ang debate kong hamon sa’yo nananatili. Kung tunay kang lalaki at kumakandidato ka para sa mataas na posisyon, bago pa ‘yung presidential humarap ka muna sa akin, andami kong tanong sa’yo na dapat mong sagutin. Sasabihin ko ba itong ganito kung ikaw ay nanatiling boksingero? Hindi, papalakpakan pa kita. In fact, ang tawag sa’yo ‘pambansang kamao’. Ngayon pumasok ka sa pulitika na wala ka namang alam, involved kaming lahat sa sinasabi mo, ikaw ang ‘pambansang ‘di kamao’,’’ayon kay Pastor Apollo.

SMNI NEWS