INILUNSAD ng Provincial Health Office ng Ilocos Norte ang ‘Chikiting Ligtas Campaign’ nito laban sa tigdas, rubella, at polio.
Ito ay isang supplemental immunization activity ng Department of Health (DOH) sa buong buwan ng Mayo.
Inilunsad ito sa Ilocos Norte Centennial Arena.
Hinihikayat ng kampanya na lahat ng mga ina na pabakunahan ang kanilang mga anak kontra polio, tigdas, at rubella.
Nanguna sa nasabing paglunsad sina DOH-Ilocos Region Assistant Regional Director Rodolfo Albornoz, Dr. Namrata Bhatta ng World Health Organization (WHO), kasama ang mga representative ng provincial government ng Ilocos Norte sa Committee on Health na si Medeldorf Gaoat.