Imbakan ng armas ng CTGs sa Bukidnon, nakubkob ng 10th ID

Imbakan ng armas ng CTGs sa Bukidnon, nakubkob ng 10th ID

NATUNTON ng 1003rd Infantry Brigade sa ilalim ng 10th Infantry Division ang lugar kung saan itinago ng komunistang teroristang grupong CPP-NPA-NDF ang kanilang mga armas.

Sa pamamagitan ng ibinigay na impormasyon ng mga residente na kubkob ng militar ang iba’t ibang armas ng mga rebelde sa Brgy. Lumintao, Quezon, Bukidnon.

Nakuha ng mga awtoridad ang 14 assorted high-powered firearms, kabilang na ang walong M16A1 rifles, isang M653 rifle, dalawang M14 rifles, at tatlong AK-47 rifles, mga bala, rifle magazines, at isang hand grenade.

Ang mga nabanggit na armas ay galing sa humihinag guerilla front na Southern Mindanao Regional Committee (SMRC).

Binigyang diin naman ni BGen. Marion Angcao, Commander ng 1003rd Infantry Brigade na ang pagkakakumpiska ng mga armas ng komunistang grupo ay malaking tulong upang hindi na ito makapaminsala sa komunidad.

Tanda rin aniya ito na malapit na ang katapusan sa armadong grupo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble