MALINAW na nailahad sa ginawang imbestigasyon ng Kamara ang kartel na nagmanipula sa sektor ng agrikultura.
Ito ang paniniwala ni House Committee on Agriculture and Food chairman Mark Enverga sa panayam ng SMNI News kasunod ng pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa kaniyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) na bilang na lang ang araw ng smugglers at hoarders sa bansa.
Matatandaang matapos ang siyam na pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food hinggil sa pagtaas ng presyo ng sibuyas noong 2022, lumalabas na buhay na buhay ang onion cartel sa bansa.
Kung saan sinasabing nagpapatakbo nito ang tinaguriang ‘reigning undisputed sibuyas queen’ na si Leah Cruz.
Ibinunyag pa noon ni Marikina Second District Rep. Stella Quimbo ang kaugnayan umano ng ilang kompanya sa Philippine Vieva o Vegetable Exporters and Vendors Association Philippines Inc., na pagmamay-ari ni Lilia o Leah Cruz.