MARIING kinondena ng Philippine National Police (PNP) ang pag-atake sa isang pampasaherong bus sa Tacurong City kahapon.
Nabatid na isa ang nasawi at 11 ang nasugatan sa insidente.
Ayon kay PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr., tumutulong na ang PNP Explosive Ordi-nance Disposal (EOD) sa Sultan Kudarat Local Government Unit (LGU) at iba pang law enforcement agencies.
Partikular na tinututukan ng EOD ang post-blast investigation.
Patuloy na inaalam ng pulisya ang motibo bagama’t may ilang impormasyon na silang nakalap sa pag-atake.