TINUTUTUKAN ngayon ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) sa imbestigasyon sa pagpatay kay dating Kalibo mayor at mamamahayag na si Johnny Dayang.
Ayon kay Undersecretary Jose Torres Jr., isang Special Investigation Task Group ang binuo ng PNP.
Wala pang inilalabas na detalye habang iniimbestigahan ang kaso.
Si Dayang ay chairman emeritus ng Publishers Association of the Philippines (PAPI) at founder ng Aklan Press Club.