Imbestigasyon sa viral video ng lalaking tila sumisinghot ng pulbos, sisimulan na ng DOJ

Imbestigasyon sa viral video ng lalaking tila sumisinghot ng pulbos, sisimulan na ng DOJ

MARIING kinondena ng Department of Justice (DOJ) ang nag-viral o trending sa social media na umano’y pekeng video ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tinawag ng DOJ na iresponsable.

Iginiit pa ng DOJ na iyon ay maliwanag na paglabag sa Article 154 ng Revised Penal Code na nagsasabing sinumang tao na sangkot sa printing o anumang uri o pamamaraan ng pag-published sa pamamagitan ng fake news ay maaaring masampahan ng criminal case, lalo na kung malalagay sa panganib ang public order o magdulot ito ng perwisyo sa estado ng bansa.

Ipinaliwanag ng DOJ na ang inilabas na video ay sadyang isinabay sa mismong araw ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na naglalayong sirain ang kredibilidad ng pangulo.

Kaugnay niyan ay nanindigan ang DOJ na ipapatupad nila ang batas at gagawa ng aksyon para matukoy at masampahan ng kaukulang kaso ang mga taong sangkot sa pagpapakalat ng naturang video.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble