NAKAKAHATI at nakakahadlang sa pag-unlad ng bansa ang impeachment na inihain laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon ito kay Sen. JV Ejercito sa isang ambush interview at sa katunayan aniya, nakalulungkot ang patuloy na bangayan sa politika.
Nagreresulta lang aniya ito ng ‘instability’ ng bansa at mas lalo pang hihirap ang panghihikayat sa mga investor na mag-invest sa Pilipinas dahil sa nangyayari.
Sa panig ni Sen. Bato Dela Rosa, ‘go ahead’ ang komento nito hinggil sa impeachment case laban kay VP Sara.
Binigyang-diin ni Sen. Bato na halata naman ang motibo kung bakit sinisingle-out ang Office of the Vice President (OVP).