Import ban sa domestic, wild birds sa Belgium at France, inalis ng DA

Import ban sa domestic, wild birds sa Belgium at France, inalis ng DA

INALIS na ng Department of Agriculture (DA) ang import ban para sa domestic at wild birds mula Belgium at France.

Batay sa inilabas na memorandum order ni DA Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., inalis nito ang ban matapos matanggap ang report na wala nang naitalang outbreak ng bird flu sa Belgium mula nitong Pebrero.

Epektibo ito nito pang Abril 11, araw ng Biyernes.

Inalis din ang ban para sa mga poultry products tulad ng day-old chicks, itlog, at semen.

Ang ipinatupad na import ban ay upang mapigil na magkaroon ng outbreak ng bird flu sa bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble