MULING umangat ang importasyon ng kape sa South Korea ng higit 40% sa unang 11 buwan ng taong 2022.
Ang halaga ng coffee import ng bansa ay umabot sa higit isang bilyong dolyar mula Enero hanggang Nobyembre, mas mataas mula 2022 ayon sa datos ng Korea Customs Service.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang coffee import ng bansa ay lumagpas sa isang bilyong dolyar.
Base naman sa dami, ang importasyon ng kape sa South Korea ay umabot sa higit 180 libong tonelada sa loob ng 11 buwan mula sa higit 170 libong tonelada noong nakaraang taon.
Ang importasyon ng kape sa South Korea ay patuloy na tumataas mula pa noong 2018 dahil tumataas ang bilang ng Koreans na nag-eenjoy sa pag-inom nito.