Importation ban ng sibuyas, magtatagal pa hanggang Hulyo—DA

Importation ban ng sibuyas, magtatagal pa hanggang Hulyo—DA

MAGPAPATULOY ang ban sa pag-aangkat ng sibuyas hanggang buwan ng Hulyo.

Ayon kay Department of Agriculture (DA) Sec. Francisco Laurel Jr., “stable” ang suplay at presyo ng mga ito kung kaya’t hindi pa rin kailangan ang mag-angkat.

Sinabi ng DA na magpapatupad lang muli sila ng importasyon kung magkakaroon na ng pagtaas sa presyo ng sibuyas.

Sa kasalukuyan aniya ay nasa 60-70 pesos per kilo ang bentahan ng pulang sibuyas habang nasa 60 pesos per kilo ang puting sibuyas.

Noong buwan ng Enero epektibo ang importation ban para sa mga sibuyas hanggang Mayo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble