In-depth assessment sa mental health ng mga mag-aaral, isinusulong ni Rep. Camille Villar

In-depth assessment sa mental health ng mga mag-aaral, isinusulong ni Rep. Camille Villar

ISINUSULONG ngayon ni Deputy Speaker at Las Piñas City District Representative Camille Villar ang House Resolution 900, na kung saan magkakaroon ng isang in-depth assessment sa mga mag-aaral para masiguro ang kanilang mental health.

Pinangunahan ni Rep. Villar, ang pagtatag ng nasabing panukala na aniya’y makatutulong sa pagtukoy sa estado ng mental health ng mga estudyante.

Ito ay kasunod ng pagtaas ng kaso ng suicide sa bansa na umabot sa mahigit 400 estudyante mula taong 2021 hanggang 2022, habang 775, 962 sa mga ito ay humingi ng tulong sa mga guidance counselors.

Dahil sa nakababahalang bilang ng pagtaas ng kaso ng suicide mula sa mga estudyante dahil sa iba’t ibang kadahilanan, umaasa si Rep. Villar na sa pamamagitan ng nasabing panukala matutulungan itong mapabuti ang mental health ng mga mag-aaral.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter