KAPAG nakapasa na sa assessment, maaring magtuluy-tuloy na ang pagsasanib-puwersa ng India at Pilipinas sa alternative health medicine sa pamamagitan ng Ayurveda.
Sa isang roundtable discussions na ginanap sa isang hotel sa Makati ay inihayag ni Ambassador of India to the Philippines Shambhu Kumaran ang hangarin nito na maidala sa bansa ang Ayurveda na nagsimula sa India 3,000 taon na ang nakararaan.
Nakapaloob sa Ayurveda health care ang herbal remedies, massage therapy, yoga, at meditation.
Ang Ayurveda, una nang winelcome ng Philippine Institute of Traditional and Alternative Healthcare (PHITACH) ayon kay PHITACH Director General, Dr. Annabelle Pabiona-de Guzman.
Sa ilalim ng Alternative Act, parte ng kanilang mandato na maibigay sa mga Pilipino ang alternatibong medisina na makatutulong sa kanilang medikal na pangangailangan.
Meron na ring memorandum of understanding (MOA) na nilagdaan ang PHITACH kasama ang National Institute of Ayurveda noong Abril 2022.
Ayurveda health medicine mula India, idadaan pa ng evaluation ng DOH
Ayon sa Department of Health (DOH), maaaring isa ang Ayurveda sa makatutulong para sa prevention at promotion side na kailangan sa pagpatutupad ng Universal Health Care Act.
Pero kailangan pang dumaan ng evaluation o assessment ang Ayurveda gaya ng nasasaad sa Universal Health Care Law.
Sakaling tuluyang matutuloy ang Ayurveda sa bansa, ay magbibigay-daan ito para sa iba’t ibang oportunidad ayon sa PHITACH.