INAASAHAN na magbibigay ng update kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang isang Indonesian satellite telecommunications company sa usad ng kanilang proyekto sa Pilipinas.
Ito’y sa gitna ng pagdalo ni Pangulong Marcos sa 43rd ASEAN Summit sa Jakarta, Indonesia.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang Indonesian telco na Pasifik Satelit Nusantara ang makikipag-pulong sa Pangulo.
Una aniya itong lumagda ng letter of intent noong 2022 para maglagak ng puhunan sa bansa.
At ngayon, sa Pangulo mismo sila magbibigay ng update sa nakatakda nilang launching sa Disyembre.
Kung matutuloy, nasa 13.5 gigabytes per second na internet connection ang alok nila sa Pilipinas.
Samantala, isang kompanya na bihasa sa immersive technology software solutions ang planong mag-expand sa bansa.
Ito ay ang WIR Asia na planong maglagak ng USD20 million na investment sa bansa at naka-schedule na dumalo kasama si Pangulong Marcos sa ASEAN Business Advisory Council.