NANAWAGAN si Indonesian Vice President Ma’ruf Amin na iwasang gamitin bilang mga lokasyon ng kampanya ang mga lugar pagsamba at edukasyon para sa 2024 general election.
Sa kaniyang pahayag, sinabi nito na nakaka-alarma ang paglipana ng paggamit ng mga mosque, Islamic boarding schools at ilang lugar-panambahan bilang campaign locations, at aniya kung hindi ito maaagapan maaaring itong maulit.
Bukod dito, nanawagan din ito sa mga election participants na magpakita ng transparency sa pagdeklara ng kanilang asset kasabay sa pagsusumite ng state officials wealth reports at ang paghikayat din sa iba na gawin din ito.
Nakatakda ang pagpaparehistro ng mga kandidato sa pagkapangulo at bise presidente sa darating na Oktubre 19 hanggang Nobyembre 25, 2023.