NAKAAPEKTO sa kabuuang performance ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.
Ito ang lumabas na resulta sa pinakahuling Pahayag survey para sa ikalawang quarter ng taon ng Publicus Asia Inc.
Mula sa 1,500 Pilipinong lumahok sa naturang survey na isinagawa noong Hunyo 7-12, 2023 ay 60 porsiyento ang nagsasabi na ang inflation ang pinakanangungunang dahilan ng pagbaba ng overall performance ng Pangulo.
Sinundan naman ito ng tatlong usapin na nakakuha ng tig-12 porsiyento.
Ito’y ang isyu ng oil price, usapin ng imbestigasyon ng Senado sa umano’y importasyon ng 440,000 metriko toneladang asukal, at ang pagtatalaga sa mga miyembro ng gabinete ng Pangulo.
Sinundan naman ito ng African swine fever (ASF) outbreak na naitala sa 16 mula sa 17 rehiyon na nakakuha ng 4 na porsiyento.