Inflation rate, nasa downward trajectory na—NEDA

Inflation rate, nasa downward trajectory na—NEDA

INIHAYAG ng National Economic Development Authority (NEDA) na nasa downtrend na ang inflation rate sa bansa ngayong taon.

Sinabi ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan na aktibong sinusubaybayan ng ahensiya ang sitwasyon sa usapin ng inflation.

Dagdag ng kalihim, ipinapatupad din ng NEDA ang mga kinakailangang hakbang upang matiyak na sa pagtatapos ng kasalukuyang taon ay makamit ang target na humigit-kumulang 4 porsiyento inflation rate.

Base sa government figures, ang inflation rate noong Marso 2023 ay lalong bumaba sa 7.6 porsiyento mula sa 8.6 porsiyento.

Ito ay pasok sa inflation forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas na nasa 7.4 porsiyento hanggang 8.2 porsiyento at mas mababa sa media estimate ng private analysts na 8.1 porsiyento.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter