NASA 3.7% ang inflation rate o ang galaw ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa nitong Hunyo ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Mababa ito kumpara sa 3.9% na headline inflation rate sa bansa noong Mayo.
Isa sa mga dahilan ng pagbagal ng inflation ay ang mas mabagal na taas-presyo ng kuryente at gasolina maging ang mga restaurant at accommodation services.
Samantala, bagamat bumagal rin ang inflation sa bigas, harina at gatas, naitala naman ang mataas na inflation sa luya at kalabasa.