PINALAYA na noong Biyernes ang 17 Pilipino. Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac, ang pangyayari ay isang mahalagang aral para sa lahat ng overseas Filipino workers (OFWs).
Hinimok niya ang mga Pilipino na sumunod sa mga batas at regulasyon ng host country, lalo na pagdating sa mga pagtitipon.
Bilang tugon, paiigtingin pa ng DMW ang information campaign nito sa pamamagitan ng mas madalas at mas malawak na pre-departure at post-arrival seminars, pati na rin sa online platforms.
“Ang ating isasagawa ay paigtingin pa iyong information campaign. Mayroon nang mga pre-departure orientation seminars, even post-arrival seminars na isinasagawa. And of course, iyong day to day na pagpapaalala sa pamamagitan ng mga messaging natin sa ating website and Facebook Pages at iba pang kaparaanan, media means, means through media na ma-disseminate ang information,” ani Sec. Hans Leo Cacdac, Department of Migrant Workers.
Bukod sa information campaign, nagbigay rin ang DMW ng tulong sa mga OFW habang nakakulong, kabilang ang anim na pagbisita sa kanilang detention facility at pagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan. Ang agarang paglaya at ang hindi pagsasampa ng mga kaso ay bahagi rin ng tulong na ibinigay ng pamahalaan.
“Na mayroong welfare and well-being assistance na binigay sa kanila sa pamamagitan ng anim na visit sa kanilang detention jail facility. Nabigyan sila ng kaukulang assistance doon, material assistance kasi mayroon silang mga basic needs noong panahon na iyon, and then of course, ultimately iyong immediate release,” aniya.
Follow SMNI News on Rumble