Iniwang pinsala ng Bagyong Paeng sa sektor ng agrikultura, sumampa na sa P2.74-B

Iniwang pinsala ng Bagyong Paeng sa sektor ng agrikultura, sumampa na sa P2.74-B

SUMAMPA na sa P2.74 bilyon ang iniwang pinsala sa sektor ng agrikultura ng Bagyong Paeng.

Batay sa inisyal na ulat ng Department of Agriculture Disaster Risk Reduction Management (DA-DRRM) Operations Center, nasa 74,944 na magsasaka at mangingisda ang apektado.

Ito ay mula sa Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, Western Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Central Mindanao, at SOCCSKSARGEN Regions.

Nasa 82, 380 hectares na agricultural areas ang nasalanta ng bagyo at nasa 111, 831 metric tons naman ang production loss kung saan kabilang sa nasirang mga pananim ay palay, mais, casava at mga high value crop.

Asahan pang tataas ang estimated production loss habang nagsasagawa pa ng validation ang DA-DRRM Operations Center.

Ayon sa DA, inihahanda na nila ang ipamamahaging tulong sa mga apektadong magsasaka at mangingisda.

Sinabi rin ng kagawaran na maglalabas sila ng pondo para sa rehabilitasyon ng mga apektadong lugar.

Magkakaroon din sila ng P25,000 pautang sa ilalim ng Survival and Recovery Loan Program mula sa Agricultural Credit Policy Council (ACPC).

 

Follow SMNI News on Twitter