PUMALO na sa P27-M ang halaga ng pinsala sa agrikultura bunsod ng mga pagbaha sa Sultan Kudarat, Zamboanga del Sur at Ifugao dahil sa hanging habagat.
Batay sa huling ulat ng Department of Agriculture (DA), nasa 1,490 magsasaka ang naapektuhan ng mga pagbaha.
Habang nasa 1,303 ektarya ng agricultural areas ang apektado at 928 metric tons ang volume ng production loss.
Kabilang naman sa mga apektadong commodities ay bigas, high value crops at live stocks.
Tiniyak naman ng DA na tutulungan ang mga apektadong magsasaka upang makabangon sa pagkakasira ng kanilang pananim.