Instagram, may “notes” feature na rin

Instagram, may “notes” feature na rin

INILUNSAD ng Instagram ang bago nitong features kamakailan at kasama na dito ang “notes”.

Ayon sa Meta nitong Disyembre 13, ang parent company ng Instagram, ang “notes” ay maaaring magamit hanggang 60-characters gamit ang texts at emojis.

Sa isang pahayag, sinabi ni Meta CEO Mark Zuckerberg, ang “notes” ay isang bagong space para sa mga tanong, status updates at kahit ano pa ng isang user.

Ang feature naman na ito ay kahawig sa feature ng Twitter na may 280-character limit.

Follow SMNI NEWS in Twitter