Integridad at kalinisan, sentro sa ika-47 anibersaryo ng Eastern Police District

Integridad at kalinisan, sentro sa ika-47 anibersaryo ng Eastern Police District

SENTRO ngayong taon sa ika-47 anibersaryo ang pagpapahalaga sa kalinisan ng kapaligiran at pagpapanatili sa integridad ng mga tauhan ng Eastern Police District.

Sa kabila ng hamon ng pandemiya, pinagtitibay nito ang mandato na maging maayos na katuwang ng publiko tungo sa kapayapaan at kaayusan.

Ipinagmamalaki ng pamunuan ng Eatern Police District ang mababang bilang ng kriminalidad sa limang distrito sa National Capital Region (NCR).

Bagay na nanguna ang Eastern Police District bilang best police district sa pagdiriwang ng police service ngayong taon.

Ito’y sa ilalim ng pangangasiwa ng National Capital Region police office.

Sa panayam ng SMNI news kay Eastern Police District Director PbGen. Matthew Baccay, malaking tulong aniya ang pakikipagtulungan ng mga komunidad sa pagpapanatili ng kaayusan sa kani kanilang mga lugar.

Sa kabila aniya ng pandemiya, hindi naging hadlang ito upang maisakatuparan ang matagumpay na operasyon laban sa kriminalidad, iligal na droga at terorismo.

Ngayong araw, kasabay ng pagdiriwang ng ika-120 anibersaryo ng Police service, ipinag diriwang din ang ika-47 anibersaryo ng pagkakatatag ng Eastern Police District kung saan sentro dito ang pangangalaga sa kalinisan sa kapaligiran, at pagpapanatili sa itinatag na integridad para sa mga kawani nito.

“Tulad natin ang bisyo ni General Danao ay mag serbisyo na may tapang at malasakit,”ayon kay Senator Bong Go sa kanyang talumpati sa ika-120 anibersaryo ng Police service.

SMNI NEWS