Inter-Agency Council Against Trafficking at Presidential Anti-Organized Crime Commission, pinulong ni PBBM

Inter-Agency Council Against Trafficking at Presidential Anti-Organized Crime Commission, pinulong ni PBBM

NAKIPAGPULONG si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa mga opisyal ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) at ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) nitong Lunes.

Sa naturang meeting, tinalakay ang kasalukuyang sitwasyon at ang mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan upang labanan ang human trafficking ng mga manggagawang Pilipino sa abroad.

Tugon na rin ito sa mga naitalang kaso ng pang-aabuso sa mga manggagawang Pilipino sa loob at labas ng bansa.

Binigyang-diin ni Pangulong Marcos na hindi hahayaan ng administrasyon ang pagtapak sa karapatan ng mga Pilipino saanman sila naroroon.

Kaya naman tiniyak ng gobyerno na ipaglalaban ang kapakanan ng mga Pilipino sa abot ng makakaya nito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter