Ipamamahaging tulong sa landslide survivors, inihahanda na ng volunteers ni Pastor Apollo

Ipamamahaging tulong sa landslide survivors, inihahanda na ng volunteers ni Pastor Apollo

HINAHANDA na ng volunteers ng The Kingdom of Jesus Christ ang mga relief items para sa landslide survivors ng Brgy. Kantagnos sa Baybay City, Leyte.

Daang-daang relief goods ang kasalukuyang inihahanda para sa mga biktima ng landslide dulot ni Bagyong Agaton na inisyatibo ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

Problema ng mga residente sa Baybay City, Leyte ang tubig, pagkain at kada araw na gastusin.

Bukod sa maraming buhay ang nawala, pinadapa rin ni Bagyong Agaton ang ekta-ektaryang niyugan sa lungsod.

Batay sa asessment ng Baybay LGU, higit 90% ang nawash-out sa Brgy. Kantagnos kabilang na rito ang mga tirahan at niyugan.

Ang masaklap wala nang mababalikan ang mga residente sa nasabing barangay dahil ikinokonsidera na itong ‘danger zone’.

Kaya naman, bilang tugon sa pangangailangan ng mga residente, agad na pinakilos ni Pastor Apollo ang kaniyang relief operations team para sa panandaliang paghahatid ng tulong sa mga biktima ng Bagyong Agaton sa Baybay City, Leyte.

Nagkaisa ang mga volunteers ng SMNI Foundation, Children’s Joy Foundation Inc. at Sonshine Philippines Movement sa pagre-pack ng mga relief items.

Daang-daang pamilya na apektado ng landslide ang target na maabutan ng tulong mula sa butihing Pastor.

Mga food items, cooking utensils, malinis na tubig, gamot at hygiene kits – ilan lamang ito sa mga ipamamahagi sa mga biktima.

Sa kaniyang programang Powerline, una nang tiniyak ni Pastor Apollo na laging handa ang mga relief operations team nito sa paghatid ng tulong lalo na sa mga biktima ng anumang sakuna.

Nanawagan naman ang butihing Pastor sa publiko lalo na sa mga may maitutulong na magkaisa lalo na sa panahon ng trahedya.

“Dapat magtulungan tayo sa mga panahong ito at ‘yung may mga kakayanan na tumulong at kami po ay handa dyan, ang Sonshine Philippines Movement na pinangungunahan ko nakaabang kami palagi sa mga disaster relief operations natin na matulungan natin ang ating pamahalaan na mai-save ang mga tao. Matulungan ang mga nasalanta habang wala pa silang pamamahay, walang mga pagkain, walang masisilungan ay nandodoon tayo para makiramay sa kanilang mga sitwasyon. So, SMNI at ang volunteer groups ng Children’s Joy Foundation at SMNI kumikilos na para sa karagdagang ayuda na ginawa na ng  gobyerno at tayo naman sa ating kakayanan ay tutulong na rin tayo,” ayon kay Pastor Apollo.

Bukas Abril 21 ay tutungo ang Relief Operations Team ni Pastor Apollo sa isang evacuation center kung saan nanunuluyan ang mga taga-Brgy. Kantagnos.

Ito yung barangay na severely affected ng landslide. Sa Abril 22 naman ay mamahagi ang volunteers ng butihing Pastor ng mga relief items sa Abuyog, Leyte.

Follow SMNI News on Twitter