Ipinanawagan ang mandatory full quarantine period sa returning Filipinos

MANDATORY na pagsasailalim ng returning Filipinos sa full quarantine period, ipinanawagan ng OCTA Research.

Ito ang panawagan ng OCTA research team matapos madiskubre ang isang COVID-19 variant sa France na hindi made-detect sa RT- PCR tests.

Napag-alaman na sa kalagitnaan noong buwan ng Marso nang ma-detect ang naturang COVID-19 variant subalit hindi naman ito mas mapanganib o mas nakahahawa ayon sa French authorities.

Matatandaang simula nang niluwagan ang quarantine status ng bansa, hindi na naging mandatory ang pagsasailalim ng mga returning Filipinos sa full quarantine period kapag nag-negatibo na ang mga ito sa RT-PCR tests.

Sa ngayon, iminungkahi ng OCTA Research ang mas maingat at mas aktibong contact tracing at quarantine sa mga Pilipinong nagbabalik-bansa.

SMNI NEWS