BUMAGSAK sa Nepal ang isang aircraft lulan ang 72 indibidwal.
Ayon sa Yeti Airlines, 68 dito ay pasahero habang 4 ang crew members.
Naganap ang pagbagsak sa pagitan ng bago at dating airport ng Pokhara sa Central Nepal.
Ang bumagsak naman na aircraft ay nagliyab batay sa ulat ng isang local official sa lugar.
Sa huling update, mahigit 30 na ang nasawi mula sa bumagsak na aircraft.