Isang automotive manufacturer, magbibigay ng P5M para sa mga biktima ng Bagyong Kristine

Isang automotive manufacturer, magbibigay ng P5M para sa mga biktima ng Bagyong Kristine

NASA P5M ang ibibigay ng automotive manufacturer na Toyota Philippines sa national government bilang suporta sa mga nasalanta ng Bagyong Kristine.

Maliban sa P5M ay magbibigay rin ng limang next generation Tamaraw units ang automotive manufacturer sa Office of the President.

Ang mga ito ay iko-convert bilang mga ambulansiya.

Mula rito, makatutulong ang limang ambulansiya sa iba’t ibang mobility needs ng mga programa sa ilalim ng Office of the President.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble