Isang dating tambakan ng basura sa Brgy. Tranca, Talisay, Batangas, tinaniman ng mga punong kahoy

Isang dating tambakan ng basura sa Brgy. Tranca, Talisay, Batangas, tinaniman ng mga punong kahoy

HINDI alintana ng mga volunteer ang mabato at mainit na sikat na araw para makiisa sa “One Tree, One Nation” Nationwide Tree Planting Activity sa Talisay, Batangas.

Ang dating tambakan ng basura, ngayon ay tinaniman na ng mga punong kahoy.

Mga pagbaha, mga kalbong kagubatan, mining, landslide, at iba.

Ganito ang naranasang sakuna o kalamidad ng bansa dahil sa epekto ng climate change.

Nandiyan ang mga pagbaha bunsod ng malakas na ulan dahil sa sunud-sunod na mga bagyo.

Pagkasira ng ating kalikasan dahil karamihan na sa mga kagubatan ay nakalbo dahil sa pinagpuputol na mga punong kahoy.

Nandiyan din ang epekto sa ginagawang pagmimina—dahilan kung kaya’t nagkaroon ng mga pagguho ng lupa.

Ang ganitong uri ng mga problema ay hindi lamang nararanasan ng Pilipinas kundi maging ng buong mundo.

Pero, alam niyo ba na kayang maibalik sa dati ang ganda ng kalikasan?

Isa sa pinakamahalagang adbokasiya ni Pastor Apollo C. Quiboloy ay nakatuon sa pagpapaganda ng kalikasan.

Katulad na lamang ng ginawa nito sa Glory Mountain sa Brgy. Tamayong, Davao City kung saan ang dating nakakalbo nang kabundukan, ay napakaganda na ngayon.

At nitong araw ng Sabado, isinagawa ang malawakang “One Tree, One Nation” Nationwide Tree Planting Activity sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa Region IV-B isa ang Brgy. Tranca sa Talisay, Batangas ang pinili ni Pastor Apollo at ng Sonshine Philippines Movement para taniman ng mga punong kahoy.

Isang dating tambakan ng basura ang nasabing barangay na ngayon ay tataniman na ng mango saplings.

Pasado alas siete ng umaga ng Sabado ay sabay-sabay na nagtanim ng mga binhi ng mangga ang daan-daang volunteers.

Ang naturang aktibidad ay inisyatibo ni Pastor Apollo simula pa noong taong 2005.

Ilan sa mga sumali ay ang grupo ng mga Electrical Engineer mula sa Institute Integrated Electrical Engineer of the Philippines Northern Laguna Chapter.

Ang hakbang na ito anila ni Pastor Apollo ang naging daan upang mahalin ng mga Pilipino ang kasalikasan.

“Dapat talagang ipagpatuloy ni Pastor kasi kailangan natin ng mga puno, ako ay hindi miyembro ng KOJC, nakilala ko sila gusto ko magpa-miyembro ngayon, maganda ‘yung sample na ginagawa ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa Davao ‘yun na ‘yung example na dapat gawin natin sa buong Pilipinas,” ayon kay Engr. Allison Alfeche, Former President, Institute Integrated Electrical Engineer of the Philippines, Northern Laguna Chapter.

Hindi nagdalawang-isip na sumama sa aktibidad ang grupo na ito ng mga kalalakihan mula sa Veterinarius Animal Clinic.

Ilang beses na rin kasi anilang nakikita sa mga social media account ng Sonshine Philippines Movement (SPM) ang magagandang ginagawa nito patungkol sa kalikasan.

“Pinagsikapan kong makapunta (jump) napaka-importante siya ating community kasi.”

“Dahil sa iyong leadership at tsaka sa inyong guidance ay makasali kami sa iyong mga hangarin parang siya ‘yung nagli-lead,” wika ni Junrey Atonacio, Consultant, Veterinarius Animal Clinic.

Ilang PWDs, nakilahok sa “Isang Puno, Isang Bayan” Nationwide Tree Planting sa Talisay, Batangas

Ngunit alam niyo ba na ang One tree, One Nation” program ay hindi lamang bukas sa mga miyembro at manggagawa ng KOJC?

Ilang kababayan nga nating may kapansanan ang sumama rin sa tree planting activities.

“Masaya daw po siya na makasama sa lahat na makapagtanim at nafi-feel daw po niya na siya ay masaya at nagpapasalamat siya sa Ama na nakasama kayo,” ayon kay Jenny Prinsipe, volunteer.

Naniniwala si Pastor Apollo C. Quiboloy na mahalaga ang hakbang gaya na lamang nitong ginagawang tree planting activities upang maibalik sa orihinal na ganda ang kalikasan. Ang pagtatanim ng mga puno ay hindi lamang simpleng aksiyon para sa kalikasan kundi ito ay bahagi ng responsibilidad nating mga Pilipino.

“Kung talagang ikaw ay lider dapat tingnan mo si Pastor Apollo C. Quiboloy kasi marami kang matutunan, isa sa katangian ng lider ay ‘yung vision at kita natin kay Pastor Apollo C. Quiboloy ‘yung from nothing marami siyang nagawa, napalago niya nalinis niya na napakaganda. Napakaganda ng Glory Mountain at Prayer Mountain so hindi ito parang nanghuhula si Pastor na magtanim tayo o hindi. Nagawa na niya na eh, dati na. Itong tree planting hindi lang ito ginagawa dahil tumatakbo siya, yearly na ito ginagawa nationwide,” ayon kay Coach Oli, Anchor, SMNI

“Itong ganap na ito ngayon ay nationwide ay isa ito sa bunga ng iyong pag-ibig na nasa puso sa pagpapalaganap na ginawa mo mula doon sa Glory Mountain. Nakita naman natin Pastor na sa iyong pagtuturo from being a deforested area ngayon ay forestated na marami na ang tanim o pine trees na nagbigay lilim o nagbigay buhay bagong pananaw sa mga tao sa Tamayong ngayon,” wika ni Roy Villahermosa, Spokesperson, “One Tree, One Nation” Nationwide Tree Planting.

“Sa tree planting activity at hindi lang ito by the next week mayroon na namang another program ng ating Mahal na Pastor na clean-up drive kailangan nating maglinis sa kapaligiran,” ayon kay Alberto Macabenta, Spokesperson, KOJC Minister, Southern Luzon 1.

Una na ring sinabi ni Pastor Apollo na kung ano ang ginawa nito sa KOJC lalo na sa pagpapaganda sa kalikasan ay ito rin ang gagawin nito sa buong bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble