WALONG Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR) teams na binubuo ng 66 officers at enlisted personnel ang idineploy ng Visayas Command (VisCom) upang tumulong sa ginagawang preemptive evacuation efforts sa Eastern Samar dahil sa epekto ng Bagyong Pepito.
Maliban dito may ibang grupo pa ang ipinadala upang pangunahan naman ang pag-deliver sa mga kinakailangan na mga relief goods para sa mga lugar na nasalanta ng bagyo sa Northern Samar, Eastern Samar, Samar, at Biliran.
Ayon kay VisCom Commander LtGen. Fernando Reyeg ng Philippine Army na ang nasabing hakbang ng mga sundalo ay patunay na sila ay tapat sa kanilang tungkulin at pangako lalo na sa mga lokal na pamahalaan sa panahon ng sakuna.
Nananatili naman sa heightened alert ang VisCom dulot ng sama ng panahon at posibleng madagdagan pa ang pagde-deploy nila ng mhga resources upang tugunan ang pangangailangan ng mga apektadong komunidad.