Isang Italy-flagged ship, unang cruise ship na bumisita sa Boracay ngayong taon

Isang Italy-flagged ship, unang cruise ship na bumisita sa Boracay ngayong taon

BUMISITA ang Italy-flagged ship na MS Aidastella sa Boracay ayon sa Department of Tourism (DOT).

Ito ang kauna-unahang international cruise ship ngayong taon na dumaong sa world-famous island ng Pilipinas.

Lulan dito ang mahigit 2K na mga pasahero at crew na naglibot sa lugar nitong Lunes, Enero 13, 2025.

Kaugnay rito ay nagsagawa naman ng Plaque Exchange Ceremony sa pagitan ng MS Aidastella, DOT-Region 6 at lokal na pamahalaan ng Malay.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter