Isang merchant vessel sa Red Sea, tinamaan ng missile ng Houthi rebels

Isang merchant vessel sa Red Sea, tinamaan ng missile ng Houthi rebels

NATAMAAN ng isang land-based cruise missile mula sa Houthi rebels ng Yemen ang isang merchant vessel na naglalayag sa Southern Red Sea.

Sa isang post ng US Central Command, naging sanhi ito ng sunog sa nabanggit na vessel subalit mabuti na lang at walang naitalang casualties.

Ito na ang pinakalatest na ginawa ng Houthi rebels kung saan tinatarget nito ang mga barko na dumadaan sa Red Sea.

Ang hakbang ay pagpapakita ng simpatya ng Houthi rebels sa Hamas sa gitna ng kaguluhan na nangyayari sa pagitan nito at ng Israel.

Noong Nobyembre ay nauna nang na-hijack ng Houthi rebels ang sea vessel na Galaxy Leader kung saan karamihan sa mga crew ay Pilipino.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble