PATAY matapos masagasaan ang isang Pakistani journalist noong Linggo sa Pakistan habang nagko-cover ng political march na pinamunuan ni dating Prime Minister Imran Khan.
Ayon sa assistant superintendent ng Kamuke na si Salman Zafar, kinilala ang biktima na si Sadaf Naeem, 36 anyos, isang journalist.
Nangyari ang insidente matapos madulas si Naeem sa isang container truck na sinasakyan ni Khan na naging sanhi ng kanyang pagkasawi.
Sa isang Tweet nagbigay ng taos pusong pakikiramay naman si ex-Prime Minister Imran Khan sa pamilya ng nasawi at sinabing kinansela na nila ang nasabing political march.
Habang nagbigay tulong naman si Prime Minister Shahbaz Sharif ng $20,000 donations sa pamilya ni Naeem.