Isang pasahero ng Royal Caribbean Cruise Ship, pinaghahanap matapos nahulog sa Singapore Strait

Isang pasahero ng Royal Caribbean Cruise Ship, pinaghahanap matapos nahulog sa Singapore Strait

PATULOY ngayon ang isinagawang paghahanap sa isang pasahero ng Royal Caribbean Cruise Ship na Spectrum of the Seas matapos itong aksidenteng mahulog sa Singapore Strait.

Nangyari ang insidente alas-7:50 ng umaga noong Lunes, Hulyo 31, habang binabaybay ng barko ang Singapore Strait patungong Singapore.

Agad namang nagsagawa ng search and rescue ang Royal Caribbean nang matuklasan ang pagkahulog ng pasahero.

Naglabas naman ng Navigational Safety Broadcast ang Maritime Rescue Coordination Centre (MRCC) sa mga sasakyang pandagat sa Singapore Strait patungkol sa pasahero at magbigay ulat sa kanila.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble