Palaro athletes delegates, makakakuha ng libreng sakay sa LRT-2

Palaro athletes delegates, makakakuha ng libreng sakay sa LRT-2

MAKAKAKUHA ng libreng sakay sa LRT-2 ang student-athletes at delegates sa Palarong Pambansa ngayong taon mula Hulyo 31 hanggang Agosto 5.

Bukod sa mga atleta, ang mga coaches at trainer, national at local committee members, volunteers, technical workers, officials, medical staff at accredited media ay nakakakuha rin ng libreng sakay.

Ayon sa Light Rail Transit Authority na ang mga kwalipikadong indibidwal ay maaaring maka-avail ng libreng sakay sa pamamagitan lamang ng pagpapakita ng kanilang Palarong Pambansa identification card.

Opisyal mula sa 17 rehiyon na mga students athletes ang nakikiisa ngayon sa sporting event sa lungsod ng Marikina.

Samantala magpapatuloy naman ang naturang events mula Hulyo 29 hanggang Agosto 5.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble