ISINARA ng Department of Migrant Workers (DMW) at National Bureau of Investigation (NBI) ang isang travel agency sa Pampanga dahil sa umanoy ilegal na pag-aalok nila ng trabaho sa Bulgaria.
Sa ulat, ang Yatra Travel and Tours ay nag-aalok ng factory worker positions sa automobile at textile industries sa nabanggit na European country.
Sinasabing ang makukuhang suweldo sa mga trabaho sa Bulgaria ay nagmumula sa P90K hanggang P110K kada buwan.
Ngunit bago makapagtrabaho ay humihingi nga lang ito ng processing fees na nagmumula sa P400K–P500K.