Isang “Wenyi Lin”, posibleng ina ni Mayor Guo

Isang “Wenyi Lin”, posibleng ina ni Mayor Guo

SINABI ni Sen. Sherwin Gatchalian na maaaring ina ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ang isang nagngangalang Wenyi Lin.

Ayon sa senador, sa mga dokumento ng family business ni Guo partikular na ang isang piggery at embroidery shop sa Valenzuela, consistent na makikita ang pangalan ni Wenyi Lin kasama ang pangalan ng kaniyang ama na si Jian Zhong Guo at dalawa pa nitong kapatid.

Sa travel records din ay 170 beses sa loob ng anim na taon magkasama ang ama ni Guo at si Wenyi.

Sakali mang mapatunayan na si Wenyi Lin ay ina nga ni Guo ay kinakailangan nitong i-surrender ang kaniyang Philippine Passport at maging ang kaniyang kandidatura.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble