‘NO’ ang boto ni Davao City 1st District Rep. Paolo Z. Duterte sa House Bill 7532 para magpatawag ng Constitutional convention (Con-con) upang luwagan ang economic restrictions ng 1987 Constitution.
Isa si Duterte na dating Presidential son sa 7 kongresista na bumoto laban sa Con-con bill.
Paliwanag ni Cong. Duterte, wala sa timing ang panukala dahil sa dami ng mga isyung dapat unahin ng Kongreso.
Lalo na ang mga isyu ng ‘inflation and poverty’ na dapat sana’y unahin ng pamahalaan.
Mas mainam din ani Duterte na ilaan na lamang ang bilyun-bilyong pondo para sa Con-con sa mga programang pakikinabangan ng mas maraming Pilipino.
Nilinaw naman ng nakababatang Duterte na hindi ito kontra na luwagan ang Saligang Batas subalit ang isyu ay hindi ito napapanahon.
“This is to express our irresolution with the immediate approval of RBH No. 6. To reiterate, we are not in opposition against the said measure per se, but we suppose that it is not timely,” saad ng mambabatas.