Israel, handa sa posibleng resbak matapos napatay nito ang isang high-profile official ng Hamas

Israel, handa sa posibleng resbak matapos napatay nito ang isang high-profile official ng Hamas

NAKAHANDA na ngayon ang puwersa ng Israel sa posibleng resbak na gagawin ng Hamas maging ang mga kaalyado nito sa Lebanon.

Ito ang pahayag ni Israeli Army Spokesman Daniel Hagari matapos mapatay nila ang deputy chief ng Hamas na kinilalang si Saleh al-Arouri sa Beirut.

Bagama’t palagi nang inaanunsiyo ng Israel kung may napatay silang opisyal ng Hamas, si Arouri pa lang ang pinakamataas na nasawi.

Dahil dito, ipinangangamba na ang posibleng regional conflict lalo na’t sinabi na ng Hezbollah, kaalyado ng Hamas sa Lebanon na hindi nila palalagpasin ang ginawang pagpatay ng Israel kay Arouri.

Hanggang sa ngayon nagpapatuloy pa rin ang digmaan sa pagitan ng Hamas at Israel at halos umabot na ito ng tatlong buwan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble