TINANGGIHAN ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang kondisyon ng Hamas militant group na wakasan ang digmaan at palayain ang hostage na Israelis.
Ito’y dahil kapalit ng paghinto ng mga pag-atake ng Israel ay ang pagiging makapangyarihan naman ng Hamas sa buong Gaza Strip.
Kasama pa sa kondisyon ay ang pagpapalaya sa lahat ng mga mamamatay-tao at mga rapist maging ang pagpapanatiling buo ng Hamas militant group.
Sa pinakahuling ulat, nasa 240 hostage Israelis na binubuo ng sibilyan, sundalo at maging ilang dayuhan ang kasalukuyang bihag sa Gaza mula noong nag-umpisa ang giyera noong Oktubre 7, 2023.