Israeli Ambassador, binalikan ang kasaysayan ng magandang relasyon ng Pilipinas at Israel

Israeli Ambassador, binalikan ang kasaysayan ng magandang relasyon ng Pilipinas at Israel

MULING binalikan ni Israel Ambassador Ilan Fluss ang pagpapanday ng magandang relasyon sa pagitan ng Israel at Pilipinas sa gitna ng pagdiriwang ng ika-75 taong national day o ang araw na pormal na idineklarang pagkakatatag muli ng bansang Israel.

Hindi malilimutan ng Israel ang naging mahalagang papel ng Pilipinas sa muling pagkakatatag nito, 75 taon na ang nakalilipas kasunod ng World War 2 at Nazi Holocaust.

Matatandaang nawala sa mapa ng mundo ang pangalang Israel matapos sakupin sila ng mga Romano kung saan pinalitan ni Roman Emperor Vespasian ang Israel sa pangalang Palestina o Palestine.

Ayon kay Israel Ambassador Ilan Fluss, bansang Pilipinas lamang ang natatanging bansa sa Asya ang pumabor upang muling maitatag ang bansang Israel matapos ang maraming taon na nawala sa kamay ng mga Hudyo ang Holy Land.

“The second one was in 1947 when the Philippines supported the establishment of the State of Israel in the United Nations. The Philippines is the only nation in Asia supported on giving back Holy Land to the Jews,” saad ni Amb. Ilan Fluss, Israel.

Inalala rin ng Israeli Ambassador ang ginawang pagbubukas ng pinto ng Pilipinas para tanggapin ang nasa 1,300 na refugees noong panahon ng Nazi Holocaust.

Dahil dito, malaki ang utang na loob at pagtingin ng bansang Israel sa Pilipinas kaya naman hindi kailangan ng mga Pilipino magkaroon ng visa kung ito ay bibisita sa Holy Land.

Israel, ipinagdiriwang ang 75th national day

Matapos ang ilang taon ng lockdown at health restrictions na ipinatupad nang kasagsagan ng COVID-19 pandemic, ngayon taon na lang muli nagbukas ang Embahada ng Israel sa Pilipinas para magsagawa ng malakihang selebrasyon para sa ika-75 taon ng national day.

Isa sa highlight ng selebrasyon ay ang performance ng Rhythmania na una nang nagsagawa ng mga outreach program sa bahay ampunan at paaralan sa Metro Manila upang ipakilala ang kultura ng bansang Israel sa mga kabataan at kahiligan ang musika, ika nga ‘music is the language of the soul’

Ilan sa dumalo ay sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Interior Secretary Benhur Abalos, Senador Cynthia Villar at Chiz Escudero, miyembro ng diplomat corps at iba pang mga bisita.

Ibinahagi rin ng Israeli Ambassador na asahan ang mas malawakang pagpapalalim ng relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Israel sa ilalim ng Marcos administration lalo na at nagpapatuloy ang mga programa para tulungan ang sektor ng agrikultura sa bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter