ABALA na ang miyembro ng Royal Family sa Britanya sa nalalapit na koronasyon ni King Charles.
Tatlong araw bago ang koronasyon, nagkaroon ng rehearsal sa koronasyon na gaganapin sa Westminster Abbey sa London, England sa May 6.
Ayon sa Buchingham Palace, may malaking papel ang panganay na anak ni Prince William at Kate Middleton na si Prince George sa four pages of honor ni King Charles.
Si Prince George din ang pinakabatang future King na sasali sa koronasyon.
Siya rin ang panganay na apo ng magiging Hari at second in line na magmamana sa British Throne kasunod ng kaniyang ama.
Dadalo naman sa naturang selebrasyon si Prince Harry ngunit hindi nito kasama ang asawa nitong si Meghan Markle.
